ShopOT

Sunday, November 27, 2011

Opisyal kong pinapakilala sainyong mga mambabasa ng aking natutulog na blog ang aking bagong trip. ShopOT (Shop Online and on Time) Eto po ay online shop ko at ng aking kaibigan.

Nitong mga nakalipas na buwan eh naaadik ako kakabili sa Online shops. Palibhasa medyo tamad akong mamili sa mga malls dahil madaming tao at siksikan.

Sana po suportahan nyo ang aking bagong trip. ^.^

Hayskul Labstori

Tuesday, July 26, 2011

Natuto lang ako ng mga kras kras na yan nung third year HS ako. Nung 1st at 2nd year ko uhugin pa ko at naglalaro pa ng jackstone kaya di ko masyado nauunawaan ang lablayp.

Nagkagusto ko dun sa may pagkaabnormal kong classmate.
tsk.
Di ko alam ang existence nya sa mundo dahil nasa pilot section sya lagi dati. Pero nung 3rd year namin inalis na ang pilot section at pinagsama-sama ang mga henyo at bopols. Naging magclassmate kami.

Unang linggo ng pasukan nagkaroon agad ng grouping sa chemistry subject namin.
Ayos. groupings. kasama ang mga henyo. petiks lang.
Siya ang napiling leader sa grupo namin. Pinapagawa kami ng jingle (kanta) ng titser naming babaeng version ni Jose Manalo ng Eat bulaga. Di ko alam kung anong koneksyon ng mga molecules at atoms sa pag gawa ng jingle pero sige, gawa kami.
Pagdating sa bahay ng kagrupo namin para gumawa at magpractice ng jingle medyo ilangan pa kasi di pa kami magkakakilala.
Nakaupo lang kami at naghihintay ng instruction mula sa leader pero deadma sya. Sya lang mag isa ang nagawa. Eh nabibingi ako sa sobrang tahimik kaya....

(Itago na lang natin sa pangalang {insert name here} ang krash ko.)

enday : (lumapit kay {insert name here} ) anong pwede naming gawin? may papagawa ka ba? achuchuchuchuchu.
{insert name here} : (tinignan kung sinong nagsalita sabay yuko ulit sa ginagawa)
enday : uy, kinakausap kita. pipi ka ba?
{insert name here} : (Deadma)
enday : bakla ka ba? siguro bakla ka nu? (tinawag si groupmate) bakla ba to?

Di ko na masyado maalala ang naging takbo ng pakikipag usap ko sakanya dahil mostly eh ako lang naman ang nagsasalita.
Ewan ko, pero parang abnoy lang na nagkagusto ko sakanya nung araw ding yun.
Siguro dahil sa di nya ko pinansin at nachallenge ako?

Normal na hayskul labstori lang nangyari samin.
Nagustuhan ko sya at naging magkaibigan kami.
Nauwi sa asaran.
Pag iiwasan ang kinahantungan.

Di ko na sya naging klasmeyt pagdating ng 4thyr. na lalong naglayo saming dalawa. Hanggang sa nag college na. Nagkaroon kami ng communication ulit at inamin ko sakanya na gusto ko sya.
At dinedma nya lang ulit ang pag amin ko.
Siguro sa sobrang {insert emo word here}, di ko na maalala ang sumunod na nangyari samin.
Basta ang alam ko naging boyfriend ko na si Dudung.
Nauwi din sa lokohan ang samin ni Dudung, ang pakner ni Enday.

At muli ay nagkaron kami ng komunikasyon ni {insert name here} . Sa loob ng apat na taon mga 2 o 3 beses lang kami ulit nagkita at dahil pa yun sa mga reunion eklavu namin.

To make the story short. Boyfriend ko ngayon si {insert name here} .
All this time I've been loving a man who is secretly loving me. :)
One month na kami. ^^
Sino nga ba namang mag aakala na ang naudlot na {insert chessy word here} eh pwede pa palang madugtungan at mabigyan ng pagkakataon?
Well.. dreams do come true.


twitter na twit

Saturday, July 16, 2011

Isang bagay na bumabagabag sa katalinuhan ko (kung meron man) ay ang twitter.

Hindi sapat ang kayayanang taglay na pangunawa ng utak ko ang paggamit nito.
Oo, meron akong twitter account noun pa. Pero iyon ay dala lamang ng kyuryusidad.
Lumipas na ang pagkaamag ng twitter at naging sikat na sikat na ito ngayon pero hindi ko pa din feel ang paggamit nito.
Marahil dahil ang pangunahing gamit lamang nito ay ang pakikitsismis sa ginagawa ng mga artista. Kung may show ba sila, kung kumain na, kung natatae sila o nagtatae o kung nauutot man sila.
I jas dunt git it.
Bukod sa pagpapalitan ng tsismis tungkol sa mga scandal ng artista ano pa bang magandang naidudulot nito? Bakit kailangan pang itweet kung pwede namang ifacebook na lang?
Ang nakakaengot pa ay yung tinweet mo na nga, ifafacebook mo pa?

Artista ka teh?
wala lang.
Bigla lang sumagi sa isip ko.
Saglit lang ah? mag tweet muna ko.
>.<

Status

Kwento ni Enday

Blog Archive