Ulan

Sunday, June 22, 2008

Masaya ako pag naulan pero di ako natutuwa sa ulan na dala ng bagyo!
Kanina ginising ako ng ingay ng patak ng tubig galing sa kisame. Ayos! alas kwatro pa lang nagising na ko. Naunahan ko ang kapitabahay naming tren sa paggising!

Matapos mag nilay-nilay at mag
sepilyo.. napagtanto 'kong.. ako palang pala ang gising samin, kaya nagnakaw ulit ako ng tulog. (Sayang lang yung tooth paste na ginamit ko..tsk tsk)
Nagising ako ulit bandang alas singko dahil sa brown out.
Hindi ako nagising dahil sa init. Nagising ako sa sigaw ng mg
a kapitbahay namin
"Shocks! Brooownnn Ooouutttt!!!" o kaya "Walang iLLLaaaawwww!!!".
Haaay.. ansarap sa pandinig. Sa sobrang sara
p pakinggan ng sigaw nilang may choreography, parang gusto ko tuloy silang busalan ng tig-lilimang pandesal sa bibig.

No choice ako kundi bumangon. Gising na sila mommy at magbubukas pa kami ng tindahan. Di na ko nagsepilyo ulit, di pa naman ata panis ang laway ko. Fresh pa! (ooowss?) saka sayang ang toothpaste at ala din namang tubig. (Halata bang masyado akong defensive?)

Paglabas ko.. Nagulantang ako sa eksenang nadatnan ko.
Wow! may swimming pool na pala kami? o baka naman mini beach lang?
Dahil sa medyo sound proof ang bahay namin, di ko namalayang nag susuka na pala ang ulap nang 'sang katerbang ulan. Lakas pa ng hangin! (parang may giant electric fan lang na nakatutok samin, naka number 4 pa.)
Okey sa olrayt! Andaming yerong nagliliparan (may bata di
n ata eh?di ko lang masyado napansin) pwedeng ibenta! Kikita na naman ako.

At dahil sa likas na pasaway kami,
nagbukas pa din kami ng mini carenderia namin. Daming kumain at nagbilihan kahit puro prito at de lata lang ang tinda. Nag panic buying pa sa pagbili ng kandila ang mga kapitbahay namin.

Sa sobrang lakas ng ulan umabot na sa gitna ng hita ang baha, dun sa magkabilang dulo ng compound naman, abot na sa tuhod.

Ang malupit pa dun.. pinasok ng tubig ang bahay namin!
(Galing sa ilalim yung tubig, malalim kasi yung bahay namin)
Kaya sa mga oras na yun, may karapatan na 'kong mabadtrip!

Sakit ng braso, hita, at kamay ko kakalampaso sa sahig at kakapiga sa basahan. Ilang timba din ng tubig ang binuhat ko! grabe!! Ansarap ng life.. (bittersweet.)

Wala din akong kamalay - malay na may barko na palang lumubog sa Romblon kanina. Pa'no ba naman ala kaming cable (pinutulan) ala din kaming antena (binenta). Yung tatlong radyo naman namin puro di nagana yung A.M radio. Ansaya di ba?

At dahil sa pagod na ko, tatapusin ko na ang post na ito.
Tapos!.

P.S. Alang pasok bukas! yeah!



6 Sumbong:

EMCEE said...

kakalungkot noh?
wala naman tayo magagawa
kalamidad yan
prayers na lang sa mga nasalanta
at para sa u kapatid..
pahinga ka po,
take advantage walang pasok!
God Bless,see you around.

Z'riz said...

hi! tagged you here

Deranged Insanity
Traipsey Turvey

leviuqse said...

ang lupet ni frank pot*h

good thing wala na siya

Selerines said...

How is the situation there?

Tisay said...

hallo. :) sana naman okay ka at sana wala ng baha. at sana ma-rescue na ang mga passengers ng barko.

bakit sumigaw yung mga tao ng nag-brownout? natakot ba sila sa dilim?

pano nakapunta yung mga tao sa carinderia ninyo kung hanggang hita ang baha? nag-swimming? nagbarko din? :) curious lang.

kengkay said...

nice to meet you enday :) mahirap din magkaron ng instant swimming pool lalo na pag hindi pa handa yung bating syut mo ano? at oo kakalungkot yung nangyaring lumubog na barko at yung mga tagalang nasalanta :( linkanan na tayo!

Post a Comment

Hello there..
Thanks for dropping by!
Visit my other blogs..
KwentongPinas
and
Nude Notebook

Status

Kwento ni Enday

Blog Archive