Wasak

Saturday, October 4, 2008

Sa totoo lang di ko alam kung pwede ko pang ihabol ang entry na to sa pakontest nila komski, pero dahil malakas ang fighting spirit ko, sige. Gagawa pa din ako.

Eto po ang opisyal na entry na nilahok ko sa

Kung kayo man ay naiyak, tumulo ang sipon o napahagulhol sa ikukwento ko, pakiboto na lang po ako dito E[Kwento]MO Entries Page. Mag iwan lang kayo ng komento dito at gumamit ng valid e-mail address para sa pag boto. Salamat!


Sa blog na ito di ko madalas nasasabi ang nasasaloob ko. Halos lahat kasi ng laman nito ay puro ngiti at tawa ang makikita nyo.
Pero sa totoo lang, samu't-saring problema at hinanakit ang dinadala ng enday na gumawa ng blog na ito.

Bata pa lang ako, alam ko ng di maganda ang mundong haharapin ko. Sa murang edad namulat na ako sa mga kapalpakang dala ng mundo.
Nasa limang taong gulang pa lang ata ako nung unang beses kong nakilala ang tinatawag nilang "magulong buhay".
Nasa kapitbahay ako nun, nanonoud ng t.v, (di ko na maalala ang palabas) Narinig kong sumisigaw ang daddy ko. Galit na galit. Sumilip ako sa screen ng pintuan namin.
Nakahiga si mommy sa sofa habang sinisigawan ni daddy. Minumura at sinisipa.
Umiyak ako, umiyak ako ng umiyak. Itinodo ko ang lakas ng pag ngawa ko.
Pati yung kapitbahay kong bata umiiyak na.
Nakita ako ni daddy at pinapasok sa loob. Di ko maintindihan ang mga nangyayari, at di ko na din maalala. Basta ang alam ko, nilapitan at niyakap ko si mommy hanggang sa nag dilim ang buo kong paligid.

Nang tumuntong ako sa elementarya, kahit paano ay umayos ang buhay namin. Nag abroad si daddy. Naiiwan akong mag isa sa bahay tuwing gabi dahil madaling araw pa lang nagtatrabaho na si mommy. Wala akong kapatid.
Pagkauwi ko sa eskwela magluluto ako ng kakainin ko, iikot lang sa instant noodles at palpak na itlog o tustadong hotdog ang ulam ko.
Gabi na ang uwi ni mommy, mga alas nwebe.
Bumalik si daddy matapos ang walong buwan. Maliban sa paminsan-minsang mura, binabatong nokia 3310, at sigawan sa bahay ay maayos naman kami.

Tumuntong ako ng highschool. Nag sara ang kompanyang pinag tatrabahuhan ni mommy, si daddy din walang trabaho. Naisipan nilang mag tinda ng ulam at ilang mga paninda.
Mula sa maliit at binubuhat na mga paninda at mesa para magmukhang tindahan ay nagkaron kami ng maayos ayos na karenderia.
Akala ko nadaanan ko na lahat ng mabibigat na problema sa mundo.
Mali pala ako.

Third year ako nun, nung magsimula kaming mag hanap ng kasama sa bahay.
May dinala si daddy at pinakilalang papasok saming katulong.
Maayos naman ang lahat, pero nag simulang mag hinala si mommy.
Nakikita nya daw na tsinatsansingan ng daddy ko yung katulong namin na 16yrs old pa lang noun. Pokpok pala yung babae, galing sa night club malapit samin.
Nung una di ako naniwala.
Lagi silang nag aaway tungkol dun. Inisip kong baka selosa lang talaga si mommy.
At sa muling pagkakataon, mali pala ako.
Kakatapos lang ng pasko nun, December 26. Naglilinis ako sa taas ng bahay namin.
Naiwan ko yung basahan sa baba kaya dahan dahan akong bumaba. May naririnig akong tawanan at hagikgikan. Tumambad sakin ang daddy ko at katulong naming nag bubulungan.
Bumilis ang tibok ng puso ko nun.
Di ko maipaliwanag.
Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko.
Nag makaawa ang daddy ko na wag sasabihin kay mommy kung ayaw kong masira ang pamilya namin. Papatigilin daw nya ako sa pag aaral kapag nag sumbong ako.
Kinaladkad nya pa ko paakyat sa hagdan para di ako makapunta kay mommy.
Pero naging matatag ako.
Lakas loob kong sinabi kay mommy ang nakita ko.
Pinalayas sila at muntik ko ng durugin ang mukha at lagasin ang buhok ng katulong namin.
Lumipas ang ilang buwan, bumalik si daddy.
Nagmakaawa at pinatawad ng mommy ko.
Di ko sya inimikan ng ilang buwan.

Nag kaayos din naman kami.
Nag karoon ulit kami ng katulong.
Maayos naman ang lahat, maliban nitong 1st year college ako.
Kakatapos lang din ng pasko nun.
May relasyon na naman ang daddy ko at ang bago naming katulong.

Sa ngayon, wala ang daddy ko dito sa bahay.
Nag sampa na din ng kaso ang mommy ko sa korte.
Pumupunta lang ang daddy ko dito para kumuha ng ulam, damit o kaya pera.
Di ko alam kung gano kakapal ang sementong inilagay sa mukha ng tatay ko at nagagawa nya samin ang ganito.

Di na mabilang ang pinag daanan at pinag dadaanan ko sa buhay.
Di sapat ang isang post para ikwento ang lahat ng ito.
Pagod na din ako sa awang natatanggap ko.
Pagod na ko.

32 Sumbong:

sanjit said...

hmmm...magtiwala ka lang kay Lord Enday, dinadamayan Nya lagi ang mga may dalahing mabigat

yeye said...

kaya mo yan pagsubok lang yan..


2tears

:)

nilink pala kita :)

minnie said...

voted...

kikai said...

I already voted for you with 3 tears!
^^hope u win.. ^^hugs

McRey said...

Nakakainis naman talaga yun ganyang... yung parang gusto mong basagin ang makapal nilang mukha para magtanda...

PERO...

tatay mo pa rin sya.

Hindi ka magiging tulad ng tao na ikaw ngayun kung hindi nangyari yung mga yun...

Sana nga lang, kahit ng may kinakasama syang iba, wala namang tatanraduhan... galangan naman.

Enday said...

@sanjit - naniniwala pa din naman akong swerte ako kahit pano, kasi sa murang edad eh napapatatag na ako ng mga ganitong problema.

@yeye - salamat sa luha! :)

@minnie - salamat po!

Enday said...

@kikai - salamat din sa luha..

@mcrey - salamat sa komento.. :)

rabsin_d said...

in fairness, gustong-gusto nang daddy mo ang mga katulong..JOWK!

Life is so unfair talaga...and we are forced to be strong even if we're not..but we need to stand up and fight...this is LIFE.

I vote for you...you can do it...

SURVIVE! this is a gift for you...also given to me.

kailowen said...

3 tears enday.

just be strong, it won't hurt to hope for a better day :D

sanjit said...

voted.. 3 tears!

Carlota-WeblogDesigns said...

haaayy buhay talaga. vote muna ako.

Carlota-WeblogDesigns said...

done voting Enday 3 tears for you.

EMCEE said...

wag ka na malungkot mare....
hindi ka nagiisa,halos hawig ang istorya ng buhay natin,basta pilitin mo lang pag sa yo ng pamilya maging maayos,goodluck bumoto na po me :)

CyberJake said...

napahagulhol mo ako ng 2 1/2 tears, Enday.

well, ganun talaga ang buhay Enday, parang syang life... at may mga tao talagang isinilang na makakapal ang face.

ngunit, datapwat, ang suliranin ang nagbibigay sa atin ng leksyon at tatag ng loob.. gamitin mo itong kasangkapan sa pagsuong sa masaya ngunit masalimuot na mundo.

kaya eto na lang masasabi ko, na alam kong ngayon mo lang 'to maririnig sampu ng iyong mambabasa:

DREAM.. BELIEVE... SURVIVE!

pchi said...

ano ba naman yang daddy mo

ummiyak ka tuloy dahil sa kanya

anyway, cge ibubuto ko to

Nyl said...

para talagang teleserye ang buhay ano...ang lungkot.

matatag kang bata," you choose to be happy inspite of life's trials"..keep it up!

Enday said...

@rabsin - salmat po.. Lam ko naman po yun eh, kaya ko yan syempre! :)

@kailowen - salamat sa vote at sa advice mong bonggang bongga!

@sanjit - tumatumbling na pasasalamat para sayo!

Enday said...

@carlota - salamat ate carlota.. :)

@mareng emcee- salamat! talagang magkumare tayo! hehe

@cyber jake - ang tatas ng iyong pananalita, ako'y natuliro kasabay ng paghanga.. slamat!

@pchi - salmat sa iyong suporta.. :)

@nyl - simple at malupet ang message mo :) salamat!

Tey said...

I wish I have the time to join contests like this one. It's good for your blog exposure so keep it up enday. I am supporting you all the way
Ester's Raptured Dreams Ester's Celebrity Blog Array Of Hopes

jepjep said...

buti na lang natauhan na ang mommy mo... hirap din nun ha, your dad fool your mom twice na.. pero bilib din ako sayo at nasabi mo sa mama mo..

Marlene said...

haiks...
graveh talaga ang life...
punong-puno ng drama at kung anu-ano pang bagay na magulo o kaya naman ay magulong magulo...

kaya mo yan enday...

3 tears for you...

*hugs*

Jowell said...

Boboto ako ah, ok lang?

Anino said...

Enday, huwag kang bibigay. Sa palagay ko naman ay magaling dahil nakita mo ang positibo sa isang negatibong karanasan. Ginawa ka nitong matatag.

Mayyang said...

hmmmm.... napaiyak ako sa kwento mo enday... i always open your blog...ang sasaya ng mga entry mo pero yun pala may malaki kang problema... now i understand what you feel enday...

...wag kang mwalan ng pag asa! i know naman na pinalaki ka ng mother mo na may mabuting kalooban at malakas ang pananalig mo kay GOD... just pray! He's always there for US naman eh...

i salute you! kasi naging matatag ka.. isipin mo nalang ang mother mo.. naging matatag siya kasi andyan kayo na mga anak niya.

..just ignore your Father..mahihiya din cguro siya.. : )

Godbless...

Mayyang said...

na-vote na kita enday! 3 tears..

hope you win...

Godbless!

Enday said...

@tey - thank you for the nosebleed comment. and sa suporta po. hehe :)

@jepjep - slmat sa tagos sa pusong komento.. :)

@marlene - salmat po ah? talagang magulo.

@jowell - sure, pwedeng pwede kang bumoto.. :)

Enday said...

@anin0 - maswerte pa din naman kasi ako, dahil natututo ako sa mga problemang pinag dadaanan ko.. kaya gowh! lang ng gowh! salmat anino.. :)

@mayyang - salmat sa boto at makabuluhang mensahe. nice to have a blogging friend like you.. :)

onatdonuts said...

naiyak naman ako...

tama manalig ka lang sa MAykapal. enday...kaya mo yan.

kat-pinksesa :') said...

nakakaiyak :(

is that ur true to life story??? grabe ha. gsto ko maiyak. as in. lalu na dun sa last phrase. yung pagod ncu.. skit :(

hope mging msya kna ^^

Leo Mar said...

Isipin mo na lang, ang mga pinagdaanan mong ito ang nagpatatag sayo ngayon... Just count your blesssings and look at the bright side of things.

rabsin_d said...

Dapat kang manalo...pang-MMK yata tong story mo...

Druids said...

:( sad naman ang life story mo enday...


pero pasasaan ba at magiging maayos ang buhay natin lahat...

tama sila pang mmk at yung kay mel na show...

Post a Comment

Hello there..
Thanks for dropping by!
Visit my other blogs..
KwentongPinas
and
Students Blog