Debut

Monday, May 4, 2009

Medyo naging busy ako nitong buwan ng abril dahil sa aking kalandian.
Naisipan kasi ng aking ina at ng aking mga tiyahin na icelebrate ko ang aking debut sa tradisyunal na paraan.
Wala akong kapatid kaya solo kong ginawa lahat ng mga trabaho para matuloy ang debut.

Una sa listahan ang imbitasyon na aking ginawa kung saan isinulat sa at inilahad sa salitang Filipino/tagalog.
Apter ten yirs ko ito ginawa.

Sumunod naman ang pang give away.
Message in a bottle ang tema nito.
Bumili kami ng tig tatatlong pisong bote na maliit, nilagyan ng makukulay na stars na kami ang gumawa at ang resulta??
Bonggang bonggang bote na pamukpok sa mga langgam.

Ang mga gamit tulad ng lobo, confetti at kung anik anik na kalandian ay courtesy of divisoria.

Wala naman masyadong nangyari maliban na lang sa pagkakaroon ko ng muscle kakapalobo ng lobo na pag umabot ng limang minuto eh puputok na agad.
Idagdag mo pa ang script ng mga emcee kung saan ako ang gumawa.

Oh di ba exciting?
Para lang akong gumawa ng script para sa isang dula-dulaan kung saan ako lang din ang manonoud.

Walang surprise.
Walang excitement.
Lahat ako ang nagplano.

Ginanap ang debut ko sa Anfort Resort sa may cupang, dito sa Muntinlupa.
5:30pm ang nakalagay sa imbitasyon at as expected mga saktong 7:00 p.m dumating ang mga bisita.
Medyo nilangaw ang debut ko.
Di kasi ako masyado nag imbita dahil sa hindi naman masyado malaki ang pag gaganapan.

Masasabi ko namang naging masaya ko.
Tumulo uhog ko at napautot ako sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko nun.

eto, silipin nyo ang ilan sa mga larawan ng aking debut.. sengihnampakgigi









© Enday of
Students blog , Kwentong Pinas & Nude Notebook

7 Sumbong:

miss guided said...

congrats! ganap ka ng binata...i mean dalaga!haha
;)

Bino said...

uy! dalaga na si enday! ^^

yeye said...

congrats enday. nakasayaw mo si dodong. aun. hahaha..


at..


ang ganda ng gown. gurlaloo...hehehe

winkii said...

buti ka pa enday. ako wlang kakeberkeber. haha XD
mageeytin na ako. feeling ko, hnd yown icecelebrate.

winkii said...

astig ng debut enday! :D

crazyandcreamy said...

puro likod ang picture mo ah! ang gwapo mo hahaha.

anyways, belated happy birthday enday!

kokoi said...

bonggang biongga ang likod ng gown! in fairness!

Post a Comment

Hello there..
Thanks for dropping by!
Visit my other blogs..
KwentongPinas
and
Nude Notebook