Sa totoo lang, wala na kong kagana-ganang mag blog.
Hindi dahil sa wala akong masabi o maikwento.
Kundi dahil sa tinatamad akong mag type.
Nirarayuma na ata ang mga daliri ko kakacomputer eh.
Idagdag mo pa ung paglalaro ko ng kung anik-anik na laro sa p.c at facebook.
Nitong buwan ang flavor of the month na laro ko sa p.c ay "Plant vs. Zombies".
Ewan ko.
Pero para sakin enjoy ang feeling na kalabanin ang mga zombies gamit ang kung anik-anik na halamang alien.
Nakakatuwang umisip ng strategy kung paano mo papatumbahin ang mga zombies na walang ginawa kundi ang kumain ng utak.
Nakaadikan ko din ang iba't-ibang simulation game gaya ng "Many years ago" at "Gemini lost".
Masaya naman.
Kahit isang buong araw lang eh tapos ko ng laruin.
Nakakaenjoy mag laro ng simulation games.
Ang gagawin mo lang eh utusan ang character mo sa kung anong dapat nyang gawin.
Ikaw ang boss ng sarili mong laro.
Lahat ng character mo under sayo.
Ikaw ang batas.
Wala silang gagawin kundi magsibak ng kahoy, magmina ng bato, kumain, mag ipon ng pagkain, mangisda, lumandi, mag asawa at manganak.
Yan ang mga pangunahing bagay na ginagawa nila.
Ikaw na bahala kung san mo sila ilulugar.
Sa ganito umikot ang buhay ko sa mga panahong di ako tumitipa para sa mga blog ko.
Bukod sa thesis, defense na minalas, lumilipad na dingding, binahang bahay, pasang awang grade sa physics, pagkain at tulog.
Walang kwenta kung tutuusin.
Masasabi kong namiss ko din ang pag bablog.
Nakakamiss yung pakiramdam na may nagbabasa ng tinatipa ko dito.
Yung pakiramdam ng naibabahagi ko yung mga kapalpakan kong nagawa sa iba.
Nakakamiss yung may tumitira at naninira sa blog mo.
Yung gulo, yung away, yung laitan, tawanan, kulitan at pakikipag bolahan sa mga kapwa blogero at blogera.
Kaya eto.
Update muna ko.
Para naman malaman nyo na Buhay pa Ako.
:)
Buhay pa ako
Friday, October 30, 2009
Posted by Enday at 10:12 PM
Labels: addiction, adik, blog list, blogger, buhay, computer games, enday, facebook, gemini lost, korni, laro, many years ago, miss, plant vs. zombies
Post a Comment
Hello there..
Thanks for dropping by!
Visit my other blogs..
KwentongPinas
and
Nude Notebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)










1 Sumbong:
enday! kumusta ka na? long time no visit here.. ikaw din naman di ka naliligaw sa blog ko..
kumustasa kalabasa.. na miss ko blog mo kafatid..
may mga bago ako blogs.. bisitahin mo naman kafatid.. pa add na din ha kung pwede.. exlinks tyu .. tenks!
Post a Comment