Ilang buwan na ba ang nakalipas mula sa huling post ko dito sa blog na ito?
(Di lang pala buwan, halos isang taon na ang nakalipas. :p )
Magtatapos na ako ng kolehiyo ngayong Abril.
At sa INAASAHAN kong pagkakataon, ako ay nakatanggap ng Tres sa isa kong subject.
Anak ng tipaklong.
Gagraduate na nga lang ako at lahat humabol pa yung tres na yun sa gradeslip ko. >.<
Napakasaklap.
Machakit.
Nadungisan ng kulot na numerong yun ang aking t.o.r.
(bad vibes.)
Masama ang aking kalooban lalo pa't Statistics ang aking binagsak na kung tutuusin eh madali lang naman.
Halimaw lang talaga ang propesor na humawak nun.
Mukhang di nangangagat pero pailalim kung tumira.
Hirap ng Eksam! kahit na open notes yung final exam namin wala ding wenta.
Madugo masyado.. >.<
Kaya ayun, nakatanngap ako ng numerong kinakatakutan ko.
Ang TRES.

0 Sumbong:
Post a Comment