Hindi ako si dora the explorer na walang takot kung mag explore kung saan-saan kasama ang unggoy na nakakabit sa leeg nya.
Wala akong sapat na bangs para dun.
Pero itong nangyari samin sa byahe papuntang mindoro ang di ko talaga malilimutan.
Dinaig ko ang bangs ni Dora sa pagkakataong iyon.
Holy week nitong kasalukuyang taon (2011) napagdesisyunan namin ni momi na sumama sa mga neighborhood namin dito sa pagpuntang mindoro at puerto galera.
Holy week.
Full Book mga barko.
Naubusan ng ticket.
At dahil sa taga-mindoro ang isa sa neighborhood namin at uuwi din ang buong pamilya nya na asa batangas naisipan nilang magbangka na lang kami from batangas to mindoro.
Sakay bus papuntang batangas.
Baba bus.
Jeep.
Pahinga.
Sakay ng bangka.
Yung bangka kayang mag occupy hanggang 40 na tao.
36 kami lahat.
Ang iba dun ay mga bata.
NO LIFE JACKETS.
Di ko alam kung miyembro ba ng muro ami yung bangkero namin pero malakas ang kapit nila sa mga bantay sa dagat dahil hindi kami nahuli.
Bawal kasi yung ganun though sobrang gabi na ng byahe namin. Madaling araw. 1:30am specifically.
Nung umpisa, okay lang. Kalma lang. 15 sa sakay mga kaneighborhood namin yung iba family na nung kasama namin. Lahat ng mga kasama ko first time lang sumakay sa bangka.
Sabi ng pamilya at ng bangkero aabutin ng 3 hanggang 4 na oras ang biyahe mula batangas hanggang mindoro.
Sige, okay lang. No choice eh.
Pag dating sa bandang gitna kung saan binabaybay namin yung bandang Isla Verde (Ang lokasyon ni Mara sa Mara Clara, dali. sabihan nyo na si Gary). Dun nagsimula ang kalbaryo namin.
Sobrang lakas ng alon.
Lahat kami nakakapit sa bangka at pinapasok ng tubig sa lakas ng hampas.
Wala pang ulan noun pero sobrang galit ang dagat.
Aaminin ko, hindi talaga ako natatakot nung simula.
Iniisip ko kasi normal lang yun.
Kalmado kong tumutulong sa pag aalis ng tubig habang patuloy pa din kami sa pag andar.
Magkakasalubong ang alon at panay ang daan ng malalaking barko na lalong nagpapataas sa alon.
Kinabahan lang ako nung nakita kong kinakabahan na si momi.
Nakayuko na sya at nakapikit.
Basang basa na din kami pati mga gamit.
Nung naalis na namin ang sobrang tubig sa bangka. Naupo na ulit kami at nakipikit na din ako tulad ng mga kasama ko.
8 sa kasama ko ay Beki, 3 kaming babae at 3 lalake.
Nagdasal ako ng taimtim. Iniisip ko, hindi pa ko mamamatay. Hindi sa dagat. Hindi sa dilim. at hindi kasama ang momi ko.
Nakaraos naman kami sa dilim na un.
Bandang 5am na ng umaga tumigil kami sa tabi ng dulo ng Isla Verde para daw magpahupa ng alon.
5 oras na kami sa dagat nun at malayo pa dw kami sa mindoro.
Stop over muna.
Ihi ang mga iihi.
Nag hintay muna kami ng liwanag bago ulit umalis.
mga bandang 6am asa dagat na kami ulit.
Di pa kami masyado nakakalayo nagsimula na naman ang MAS malalaking alon.
Iba na to.
Mala-tsunami ang itsura.
Literal na lumilipad na yung bangka namin sa taas ng alon. Grabe. At ako, syempre abnormal nga. Napapangiti pa ko kasi naiisip ko yung Rio Grande sa E.K pero yung mga kasamahan ko mas lalo ang kaba ngayon. Kitan kita kasi namin kung gano kataas ang alon at grabe talaga. XD
Magaling ang bangkero namin kaya laking pasalamat ko talaga.
Nakatawid naman kami ng ligtas hanggang sa mindoro dahil malamang kung hindi edi sana di mo 'to nababasa ngayon diba?
After ng Life threatening experience na yun eh enjoy na kami sa pag totour sa iba't ibang lugar sa mindoro at puerto. Halos 3 days din kami dun kaya nabaon na sa limot kahit papano yung nangyari.
Pero pag pauwi namin lahat kami ay nagdesisyon ng sumakay talaga sa barko kung saan nakatulog kami ng matiwasay sa double deck dun. :)
Thank God..
Near Death Experience
Friday, April 29, 2011
Sinulat ni . at 2:11 AM
Labels: alon, bangka, bangs, barko, beki, dagat, dora, enchanted kingdom, holy week, isla verde, life jacket, mara clara, mindoro, puerto galera, rio grande
Post a Comment
Hello there..
Thanks for dropping by!
Visit my other blogs..
KwentongPinas
and
Nude Notebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 Sumbong:
grabe naman un! ang swerte mo talaga at nakaligtas kayo
Hello Enday,
Habang nag ba browse ako napapunta ako banda sa blog mo. I find it very interesting. Sana mag drop by ka naman sa blog ko pag may panahon ka sa http://ed-allaboutcomputer.blogspot.com/
Salamat
Ed
nakakatakot nga.. nung kame nung nag puntang puerto.. makaramdam lang ako nang alon na aalarma na ako! haayy..
padaan po :D
http://myxilog.blogspot.com/
Hi, I came across your site and wasn’t able to get an email address to contact you. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back and we'll talk about it.
Thanks!
Hailey William
haileyxhailey@gmail.com
hi enday, naku kaya dalawang isip ako parati kapag sasakay ng bangka e. kung pwede umiwas, iwas bangka talaga ako!
Post a Comment